b

Joey: ‘Teasing is not bad. Cheating is…on TV!’

Joey De Leon

Nasa Hong Kong ang lahat ng hosts ng Eat Bulaga! kaya hindi pa makuha ng mga entertainment press ang reaksiyon ni Joey de Leon tungkol sa pag-iyak kaninang tanghali, August 29, ni Willie Revillame sa Wowowe.Ang pag-iyak ni Willie ay may kinalaman sa mga patutsada ni Joey tungkol sa kontrobersiyang naganap sa bagong portion ng Wowowee na “Wilyonaryo” noong August 20 (Lunes). Pinagdudahan kasi ng maraming nakapanood ng nasabing episode nang aksidenteng lumabas ang number zero sa wheel na dapat ay naglalaman ng number 2 sa jackpot round. Kitang-kita sa TV na nang buksan ni Willie ang laman ng violet wheel ay zero ang lumabas at ipinakita ring hinila niya ang number 2 sa parehong wheel.

Pagkatapos nito ay inulan na ng batikos ang programa ni Willie at lalo na ang kontrobersiyal na TV host. Isa na nga sa mga nagpapatutsada sa Wowowee at kay Willie ay si Joey, na kilala naman talaga sa pagiging mabiro at kapilyuhan. Pero ayon sa pamunuan ng ABS-CBN ay “honest mistake” lang daw ang nangyari at walang dayaan.

Regular columnist ng Manila Bulletin si Joey at nang mabasa namin kaninang umaga ang kanyang column na “De Leon’s Den”, nagkaroon kami ng duda na pagmumulan ‘yon ng panibagong kontrobersiya.

Hindi nagbanggit ng mga pangalan si Joey sa kanyang isinulat na kolum, pero malinaw na sina Kris Aquino, Angel Locsin, at Willie (at ang Wilyonaryo” controversy) ang kanyang tinutukoy.

Humingi kami ng permiso kay Shirley Pizarro ng Manila Bulletin para mailabas namin dito sa PEP (Philippine Entertainment ang kabuuan ng controversial column ni Joey na may pamagat na “Transfer-Mers”, kung saan muli na namang nagpatutsada si Joey sa Wowowee controversy.

“A little more than a week ago, I read somewhere in this paper that someone in the Kapamilya network remarked that, “Ang kapamilya hindi napapalitan, pero ang puso pwedeng i-transplant,”—obviously referring to the well-publicized and quite controversial transfer of a former known kapuso to their side.

“Well, maybe I thought, they even got an ovation for that statement from their audience and followers. And maybe too, the person who thought of it found the idea cute and brilliant. Hmmm… but you know, throughout history, there have been lines spoken, and even by the greatest of men, which when carefully examined closely, are silly and untrue.

“Take for instance—”You can’t have your cake and eat it, too.” And, “the best things in life are free.” Not quite true, right? ‘Yung first one pwede siguro if you’re a big star in television and you have a lot of what you call in the business—exchange deals.

“Or you’re a young goddess of a woman and you have a filthy rich provider who is like a faucet—hot and cold. But all these have a “kapalit,” kaya nga exchange deal eh. In the first one, the big star will have to plug always. And in the second one, the sexy goddess will always be plugged.

“Transferring networks, or even working for some of these TV stations at the same time (”grossing the net”or “inter-networking”) is not new to me. Remember, I belong to the only daily show in Philippine TV history, or maybe the world, which have aired in three different major networks; surviving and outlasting five presidents… and still counting! Yes, we are the KONTOT (Kings Of Network Transfers On Television)! We are the Transfermers!

“That is why this issue about this angel from heaven, I mean seven, who transferred to you know where, is the least of anxieties. I really just find their statement so untrue and unfair, and I feel I need to react (and besides, wala akong article for this week). O, eto na—tatagalugin ko na para mas may dating at may diin. At saka tutal Tagalog din naman ‘yung binitiwang mga salita eh. Ready?

“Maganda lang siguro pakinggan ‘yung mga sinabi n’yo, pero ikinalulungkot ko, mali eh. Para bang isang babaeng nagparetoke-mukha lang maganda, pero hindi totoo.

“Una, pwede bang magharap kayo sa akin ng tao na nagpa-transplant ng puso na nagtagal ang buhay?! Pwede talaga, pero pwede bang magtagal?

“Pangalawa, lalo na sa panahon ngayon, ang daling magpalit ng pamilya ng mga tao. ‘Yung iba nga may pamilya dito, may pamilya duon eh. Sa showbiz na lang—ilan sa inyo at sa atin ang nagpalit na ng pamilya?

“Sa totoo lang, ito ang mas tumpak—ang puso natin ay mahirap palitan, pero ang pamilya pwede—at pwede pang dagdagan.

“At eto pa ang isang dumadagundong na katotohanan—pwede tayong mabuhay nang walang pamilya, pero hindi tayo pwedeng mabuhay ng walang puso.

“Alam nyo, may art din ‘yung pagsundot at patama. But naturally, all these are “tuksuhan lang.” Tayong lahat ay may mga pinagsamahan. Magkikita at maaring magkasama rin tayo balang araw. Kaya, walang pikunan. Paliwanagan lang. Biruan lang. Teasing is not bad. Cheating is… on TV!”

JOJO GABINETE Philippine Entertainment Portal

Willie Revillame: Yung ratings sa iyo na yan! Yung Number one kayo na yung number one!

Bakit ba ganito si Joey De Leon? Lagi nalang bumibira sa mga kapwa niya artista. At bakit naman mainit talaga ang dugo niya sa ABS-CBN lalong-lalo na sa karibal na show nitong Wowowee? Siguro naman di niya kailangan matatakot na malalamangan ang Eat Bulaga ng Wowowee sa Ratings dahil ilang taon na rin itong nasa ere at hindi ito mamatay-matay sa television dahil nga naging institution na ito. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi maka move-on agad si Joey De Leon sa mga nangyayari sa showbiz. Recently itong kay Angel Locsin, Kasamahan pa naman dati niya ito sa network na kinabibilangan nila at bakit parang bulkan na gustong pumutok ang mga reaksyon niya tungkol dito.

Nandaya na kung nandaya ang Wowowee (That I am not sure), pero tanong ko lang, bakit ba pinag-iinitan ni Joey ang mga Shows sa ABS-CBN? pareho lang naman silang mga artista, same industry at sila-sila pa ang nagbabatuhan ng baho… dapat nga sana nag dadamayan sila dahil masama na nga ang reputasyon ng Philippine Show business tapos sila pa kapwa artista nag babatohan ng baho sa kapwa artista at industry nila. Sino rin naman ang maaapektuhan nito? sila rin naman diba?

Sa mga pangyayaring ito, siguro mababawasan na naman sila ng viewers (Both of them). Kaya nga may mga Pinoy na ayaw nang tumangkilik ng Philippine movies and shows dahil sa mga ganitong pangyayari… Ako personally wala na akong gana manood ng mga Filipino shows eh… hanggat maaari mas pinapanood ko yung mga American TV series, drama, sitcoms kay sa mga Philippine Primetime shows, telenobela, teleserye, telefantasya Pero wala akong magagawa nandito ako sa Pinas at wala kaming Cable TV, so mostly pinoy shows pa rin ang makikita ko.

I am a proud Filipino but mukhang nahihiya na akong ipagmalaki na maganda dito sa Pilipinas. Hindi ko naman sinasabi na Hindi na ako maka-Pilipino, Pro pinoy pa rin ako… in fact, kung papipiliin ako na manirahan sa Ibang bansa at dito sa Pinas, pipiliin ko pa rin ang Pilipinas dahil masaya dito. Of course magandang mamuhay sa America and I am dreaming of living in America once in my life pero ayaw kong mag tagal dahil Pilipinas pa rin ang pinakamasayang lugar na matitirhan para sa akin, nandito ang mga taong pinakamasaya sa buong mundo kahit maraming problema na dumarating at hindi tayo masaya sa gobyerno natin, pero masaya pa rin talaga dito sa Pilipinas.

Sa nangyaring pag iyak at pag salita ni Willie Revillame sa show nito kanina at sinagot ang mga sinabi ni Joey ay mukhang masisira ang pagkatao ni Joey nito… napapanood pa naman yun sa buong mundo at mukhang maraming puso ang nasaktan sa mga oras na iyon.

Hindi naman ako naniniwala sa dalawang panig kung sasabihin nila na ang hangad lang nila ay tumulong at magpasaya ng tao dahil parehas lang sila nagpapataas ng ratings, humahakot ng viewers, gumigimik para mas marami ang tatangkilik sa show nila. Hindi naman ako naniniwala na purely helping people lang ang sadya nila. TV network is a business and shows are business, so hindi nila ginawa ang show para lang purely makatulong, ginawa nila yun para maka tulong, makapagpasaya ng tao and at the same time magkakapera din sila of course.



Author:
Robstroy
Time:
Wednesday, August 29th, 2007 at 9:30 pm
Category:
Joey De Leon, Philippine Showbiz, Willie Revillame
Comments:
You can leave a response, or trackback from your own site.
RSS:
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.
Navigation:


4 Responses to “Joey De Leon ng Eat Bulaga vs. Willie Revillame ng Wowowee”

  1. University Update - Daily Show - Joey De Leon ng Eat Bulaga vs. Willie Revillame ng Wowowee Says:

    [...] Chef Joey De Leon ng Eat Bulaga vs. Willie Revillame ng Wowowee » This Summary is from an article posted at Blog Bites - World News | Philippine Showbiz | Hollywood [...]

  2. anabel Says:

    Mr. Revillame, I think you are better off as dramatic actor than comedian or game show host…I remember you also cried on National Tv during Ultra stampede….now here you go again crying…..are you trying to get people sympathy??!!…we are so fed up of your drama…everybody is entitled to their own opinion after what happened to your game show…don’t make Mr. deleon as your scapegoat…make a better explanation to the people…stop using him…us viewers are smarter than what you think….

  3. arviefernandez Says:

    i think hindi na dapat palakihin ang ga issue, ang mga nangyari ay nangyari na, inamin na kung sino ang nagkamali, to joey sana tumigil ka na sa pagcriticize sa mga kapwa mo artista, everyone has a right to express thierselves, pero alamin mo kung hangang saan ang limitasyon mo, wag mo na sila(willie and other artist) igalang as an artist igalang mo nalang sila as a human being, to willie, its nice that your still humble sa lahat ng mga blessing sayo, pero mas mabuting wag basta basta magpadalos dalos or magpadala sa mga emotions mo, to anabel(dun sa last thread), be fair enough, hindi nya ginagamit si joey, its the other way around

  4. gevin Says:

    well willie should be having a drama sitcom rather than a game show. he is always persuading people to cry so that people would watch his shows. i dont think its good to use other people just to get others attention. and besides angel locsin is really not a good artista, even if you say its just work. she should have think about how the other network worked hard just to get her to be a star. she was popular because of gma, but what did she do, she just dumped them because of MONEY…

Leave a Reply


Get Chitika Premium



























































Blog Advertising - Get Paid to Blog